Inihayag ng “Bubble Gang” babes na sina Kim Domingo, Arra San Agustin, Faye Lorenzo, Valeen Montenegro at Lovely Abella kung ano ang gusto nilang katangian sa isang lalaki, pati na rin ang bagay nagpapa-turn off sa kanila.

“Ako gusto ko, sila ‘yung mag-a-approach kaagad. May mga lalaki kasing nakaka-intimidate. I mean ako, bina-value ko pa rin ‘yung sila dapat ‘yung nauuna mag-approach, ‘yung lalaki muna ‘yung nanliligaw kaysa sa babae. So kung gusto niya ‘yung babae, dapat dumidiretso na siya, go straight to the point. Wala nang mind games, mind games, tapos na ‘yung mind games na stage,” sagot ni Arra sa Kapuso online comedy channel na YouLOL.

“Ayaw ko namang gawin niya, ayaw ko nang pa-cool, ‘yung akala mo ang angas-angas kaagad niya,” dagdag ni Arra.

Mas gusto naman daw ni Kim na kinikilala siya nang personal ng isang lalaki.

“Ayoko ‘yung dinadaan ako ng lalaki for example, sa social media. Alam niyo ‘yung mga DM mga gano’n, ayaw ko ng gano’n eh. Kung talagang gusto niya akong ligawan, for example meron akong event, punta siya. Alam niyo ‘yung ganu’n, ‘yung personal na approach. Ayaw ko ng dinadaan ako sa mga text,” sabi ni Kim.

“Ayaw ko rin ng GGSS (gwapong-gwapo sa sarili),” dagdag ni Kim.

“Ayaw ko din ng gano’n, ‘yung dinadaan ako sa DM, ‘yung nagpapapansin sa social media, mas gusto rin ng personal. Para mas malaman ko kung totoo ba talaga ‘yung hangarin niya. Kasi alam mo naman maraming fu*k boys diyan. Alam mo naman minsan, gusto lang na anuhan, ‘di ba? Alam niyo na ‘yun,” sagot naman ni Faye Lorenzo.

Gusto rin daw ni Faye na nakikilala ang lalaki base sa kung paano nito tinatrato ang magulang.

“Ang gusto ko naman sa lalaki ‘yung gentleman. Tsaka tinitingnan ko rin siya kung paano siya mag-treat sa magulang niya, kasi doon mo makikita ‘yung isang guy, lalo na sa mother, kasi as babae, doon mo makikita na ‘Uy okay ito sa magulang niya.’ Ibig sabihin ganoon din magiging trato niya sa ‘yo ‘di ba?” sabi ni Faye.

“Ako naman, gusto ko sa lalaki ‘yung bigyan agad ako ng regalo,” pabirong sabi ni Lovely. “Mas mapapansin ko kasi siya ‘pag meron agad siyang gift na ibibigay sa akin,” dagdag ni Lovely.

Gusto naman daw ni Valeen na klaro na dapat ang intensyon ng isang lalaki.

“Kasi millenial times na tayo ngayon. Gusto ko ‘yung diretso na sa point, yung hindi ka na maguguluhan, ‘Ife-friendzone ko ba ito o hindi?’ Dapat clear na tayo kung nasa friendzone ba tayo, mag-e-expect ba ako, or ikaw ba mag-e-expect ka pa?’ Dapat walang misunderstanding,” sabi ni Valeen.

Nang tanungin kung gaano kalinaw, pabirong sagot ni Valeen; “‘Yung halikan niya ako agad.”

Ayaw naman daw ni Valeen sa mga tila nagpapayabang. “‘Yung GGSS, ‘yung humble brag. ‘Yung parang ‘Oh sobrang tired ko ‘coz I worked out today,'” sabi niya.

Panoorin ang kanilang tsikahan sa video.

FRJ, GMA News



Original Content

Website Source