Pumanaw na nitong Lunes sa edad na 92 ang dating aktres na si Lilia Dizon. Si Lilia ay butihing ina ng batikang aktor na si Christopher ‘Boyet’ de Leon.

Ibinahagi ng isa pa niyang anak na si Toni Abad ang malungkot na balita sa isang Facebook post.

“The angels are rejoicing! Mom is now worshiping our Lord Jesus Christ not by faith, but by sight. She is now with our father God in heaven. No more pain, no more tears, no more suffering, She left us at exactly 8:20 this morning,” saad ni Toni.

“I’m posting this with much sorrow because I will miss her. I love you Mom! Rest In Peace in the hands of our creator,” patuloy niya.

Ilang araw bago pumanaw ang ina, nag-post si Toni ng ilang video ng mga kaibigan at mga artista na nagpapaabot ng mensahe kay Lilia.

Kasabilang sa mga artistang nasa video ay sina Vilma Santos, Ronaldo Valdez, Edgar Mortiz, Tirso Cruz, Ricky Davao, at Bibeth Orteza.

Nagsimula si Lilia sa pag-aartista noong 1950’s.

Naging asawa niya ang aktor sa LVN Pictures na si Gil de Leon, at naging bunga ng kanilang pagmamahalan sina Boyet, Pinky de Leon, at Melissa de Leon.

Nagkaroon naman si Lilia ng dalawang anak sa kaniyang pangalawang asawa na si Antonio Abad na sina Toni at Corrie.–FRJ, GMA News



Original Content

Website Source