Kasabay ng pagbahagi ni Iza Calzado sa kaniyang naging laban sa COVID-19, inihayag din ng aktres ang lalong pagtibay ng relasyon nila ng kaniyang mister na si Ben Wintle kung saan binanggit niya sa asawa na hindi pa siya handang mamamatay dahil nais pa niyang magkaroon ng anak.

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News “24 Oras” nitong Martes, inilahad ng aktres ang isa sa mga pinakamatinding pagsubok na naranasan niya sa buhay bunga ng pagkakaroon ng COVID-19.

“The doctor told me that, ‘We have to transfer you to the ICU. You may be intubated and if this is COVID-19 it’s going to be’… Parang ikaw ‘Sandali, teka, teka okay ako ‘di ba?'” sabi ni Iza.

“I started crying. ‘Yun nga kasi lumala ‘yung pneumonia so hindi ako makahinga on my own. Nu’ng sinasaksakan na ako, through IV line kasi for the bacteria ‘yung antibiotics, my friend, nag-deteriorate talaga ‘yung body ko,” kuwento pa ng aktres.

Nakararanasan umano ngayon ng tinatawag na survivor’s guilt ang aktres, isang sintomas ng post-traumatic disorder. Nararanasan ito ng mga taong nabuhay sa life-threatening situations pero hindi nakayanan ng mga kasabay niyang pasyente.

“And then you see the number of deaths. Umiiyak talaga ako. It hits you eh na parang, ‘How come I survived and they did not?’ People are losing loved ones in three days, ‘di ba ‘yung parang one minute they’re there and the next they’re not. Na you know what that’s like,” ani Iza.

“I kind of wished, that I was able to give some of my energy to the others, perhaps we could have survived this together,” dagdag ng aktres.

Matapos lumaban sa COVID-19, handa aniya si Iza na tumulong para mahanap ang gamot sa COVID-19 sa pamamagitan ng pagdonate niya ng dugo para makakuha ng plasma.

“Hindi pa ako puwedeng magbigay kasi hindi pa ako 14 days from my first negative. After Easter, I’m already in touch with PGH (Philippine General Hospital),” sabi niya.

“Thank you God! At saka thank you talaga sa lahat ng nagdasal,” saad pa niya.

Lalo rin umanong tumibay ang relasyon nila ng kaniyang mister at nasabi niya rito ang hangarin niyang magkaroon na ng anak.

“Ibang level na ‘to.  ‘Yung parang masasabi talaga namin na malalagpasan na nating lahat. Tsaka for the first time, vinerbalize ko siya na sabi ko, ‘Hindi ako puwede pang mamatay kasi wala pa akong anak.’ Sabi ko talaga ganoon,” ayon kay Iza.

“This is something I pushed back consciously. Because I wanted to be ready. And you know when you’re faced with a life and death situation, you will want pala talaga. And it made me want one. Sabi ko ‘I want my own child to pray for me!’ ‘Yung ganoon,” patuloy niya.–Jamil Santos/FRJ, GMA News



Original Content

Website Source