Gustong ihingi ni Julian Adela ang kanyang girlfriend sa kanyang amo na si Dr. Racquel Yangco dahil ayaw umano siya nito paalisin. Nang makapanayam ang doktor, sinabi nitong ninakaw pala ng girlfriend ni Julian ang kanilang golden retriever na aso noong ito ay 3 weeks old pa lamang.

Amindo naman si Julian na binigay sa kanya ang aso dahil wala naman daw nag-aalaga sa bahay ng amo ng kanyang girlfriend. Aksidenteng natuklasan lang ng doktor na na kay Julian ang aso ng minsang hindi umuwi si Racquel. Nangamba ang doktor at hinanap niya ito at chineck ang Facebook ng boyfriend niyang si Julian. Doon niya natuklasan na nasa kanila ang aso sa isa sa mga litrato sa Facebook. Pormal na nagsampa ng reklamo ang doktor at plano na din niyang i-turnover ang kasambahay sa DSWD dahil nalaman din niyang 17 years old lamang pala ito.

Napagkasunduan na ibabalik ang aso sa doktor at ang kasambahay naman ay ihahabilin sa kamag-anak nito at hindi sa kanyang boyfriend, dahil siya ay isang menor de edad.

Youtube: http://bit.ly/1RaffyTulfoOfficialYoutube
Facebook: http://bit.ly/RaffyTulfoOfficialFacebook
Instagram: http://bit.ly/RaffyTulfoOfficialInstagram
Website: http://bit.ly/RaffyTulfoOfficialWebsite

Original Post

Raffy Tulfo in Action Youtube Channel